MAGALING NA DAW
Ine-examin nung Doktor yung isang pasyente sa Mental Hospital sa
pamamagitan ng tanong at sagot. Tanong nung Doktor, "Kung ikaw ay
palabasin ngayon sa ospital, ano ang iyong unang gagawin?" Sagot
nung pasyente, "Titiradorin ko po ang buwan!" Wika nung Doktor,
"Ikaw ay hindi pa pwedeng palabasin. E-examinin ulit kita sa
paglipas ng anim na buwan."
Pagkaraan ng anim na buwan, muling inexamin nung Doktor yung pasyente.
Tanong nung Doktor, "Kung ikaw ay palabasin ngayon sa ospital, ano
ang iyong gagawin?" Sagot ng pasyente. "Doktor, ako'y magaling na.
Pagkalabas ko po sa ospital, ako po ay hahanap ng trabaho upang
mamuhay ng mag-isa." Muling nagtanong ang Doktor, "Pagnakahanap ka
ng trabaho, ano ang iyong gagawin?" Sagot ng pasyente, "Doktor, ako
po ay manliligaw ng isang mabait, masipag at magandang babaeng pwede
kong makakapiling na pang habang buhay." Gulat ang Doktor! Mukhang
matino na ang kaniyang pasyente! Muli pang nagtanong ang Doktor,
"Pagkatapos niyong makasal, ano ang iyong gagawin?" Sagot ng pasyente,
"Aba, Doktor, kami po ay mag-hahanimun!" Bilib na naman ang Doktor.
Tanong ulit ng Doktor, "Ano ang iyong gagawin sa inyong hanimun?"
Sagot ng pasyente, "Doktor, huhubarin ko po ang blusa at palda ng
aking bagong asawa.""Pagkatapos..." tanong ng Doktor. "Pagkatapos...
" sabi ng pasyente, "huhubarin ko ang kaniyang bra at panty".
"Pagkatapos..." tanong ng Doktor. "Pagkatapos..." sabi ng pasyente,
"kukunin ko lahat ng lastiko sa bra at panty at titiradorin ko ang buwan!"
ANG PALAY
Nitong mga nakaraang buwan napapansin ni Mister ang pagiging matabang ni Misis.
Walang maisip na dahilan si Mister sa pagiging matabang ni Misis kundi ang
posibilidad na si Misis ay kumakaliwa. Sa pag-iisip ni Mister kung papaano
ang gagawin upang mapatunayan kung totoo ang kanyang hinala, nabanggit niya
sa kanyang Kumpare ang kanyang niloloob.
Mister: "Pare palagay ko ang Kumare mo kinakaliwa ako ngunit hindi ko mapatunayan."
Kumpadre: "Sana naman Pare hindi totoo ang hinala mo, pero kung gusto mo, mayroon
akong alam na paraan para mo mapatunayan ang hinala mo."
Mister: "Siyanga Pare, ano ang alam mong paraan?"
Kumpadre: "Di ba Pare ang kama ninyo ay 'yong double bed, 'Yong bang box spring na
may nakapatong na mattress sa ibabaw?"
Mister: "Ganoon nga ang kama namin Pare, Oh - ngayon?"
Kumpadre: "Ganito iyon Pare, maglagay ka ng isang gatang na palay sa kama ninyo. Sa
pagitan ba ng box spring at mattress pero huwag mong ipaaalam kay
Kumare."
Mister: "Eh, ano naman ang kinalaman ng palay kung totoo ngang kumakaliwa ang
Kumare mo?"
Kumpadre: "Pare, iyong palay pag naging bigas..............SIGURADONG MAY
BUMAYO."
BABAE DAW
Nagkaroon ng trouble ang airplane at sabi ng piloto "Fasten your seat belt".
Isang babae nag-panic at ang sabi: "Ako'y babae, nais kong maranasan ang dapat
maranasan ng isang babae bago bumagsak ang eroplanong ito! Mayroon ba sa iyong
magpapatunay na ako'y babae?"
Tingin ang mga kelot at kinilatis si babae. Medyo may edad at medyo di maganda.
Walang nag-voluntir agad.
Sigaw ng babae: "Patunayan ninyong ako'y babae!"
"Ako!" sigaw ng isang pogi at matchong lalake habang ina-alis niya ang bitones
ng kanyan kamisedentro.
Nanginig ang babae habang lumalapit ang kelot sa kanya.
Tahimik ang lahat...
Hinubag ang polo at ini-abot sa babae. Sabe niya sa babae, "Pakiplantsa mo 'to!"
NAKATIPID
Takbong pumasok ng bahay si Mario.
Pagud na pagod, pero masayang-masaya.
Nagmamayabang pa sa ina.
"Nanay! Nanay! Nakatipid ako ng uno singkwenta."
"Nakatipid? Paano?" tanong ng nanay.
"Aba'y 'di ako sumakay ng dyip.
Sumabay lang ako ng takbo.
Kaya't nakatipid ako ng one-fifty!"
"Bobo ka pala, eh. Kung taxi ang sinabayan mo,
'Di mas malaki ang natipid mo!"
Agaw-Buhay
Nakaupo sa tabi ng kanyang asawang agaw-buhay si Juan.
Hawak hawak niya ang kamay nito at nararamdaman ni Juan
na hindi na magtatagal at babawian na ng buhay ang kanyang asawa.
"Juan, bago ako mamatay, mayroon akong gustong ipagtapat
sa iyo."
"Mahal, huwag ka ng magsalita at makakasama pa sa iyo."
"Pero Juan, kailangan talagang malaman mo na........"
"Sssshhhh, kung ano man iyon ay hindi na mahalaga, ang
importante ay nasa tabi mo ako sa huling sandali mo
rito sa mundo."
"Juan, nais kong ipagtapat sa iyo na pinag-taksilan kita
sana ay patawarin mo ako."
"Alam ko iyon, kaya nga kita NILASON."
KAIBAHAN
Ano ang kaibahan ni Prince Charles sa kulangot?
Si Prince Charles ay heir to the throne.
Ang kulangot ay thrown to the air!
LETTER
An alcoholic son's letter to his Dad:
Beer dad,
Gin na 'ko mag-iinom whisky kelan man.
Tanduayan mo yan.
Your son,
Miguel.
-----

sometimes, we need to forget about the people from our past, 'cause there must be a good reason why they didn't make it to our future.