Share your beauty tips kung ano ba ang mabisang way na pampaputi or products na ginagamit nyo na effective na pampaputi...
-----
naisip ko lang kanina pang hatak sa dragon ko sabay naisip ko i-search dito sa forums wala pa pala kaya gumawa na rin ako ng thread tungkol dito...
peace out sa mga na-PM ko
bawi na lang kayo dito..
share your pampaputi technique!
sa amin tinuro ng lola ko calamansi daw hinahalo sa tubig na pampaligo.. pampakinis na rin ito ng kutis..
maski Likas papaya lang pre pero dapat long-term mo gamitin at wah ka magbibilad sa araw kasi mas lalo kang iitm..
ang ginagawa kasi nung soap tinatanggal nya yung lumanoids na skin (magbabakbak) para magkaron ng newbie-whitish skin.. Kaya kung mabibilad ka sa araw wala ka ng protection against heat rays sa sun kasi natanggal yung old skin; and prone ka sa pimples.. so be clean and tidy..
hint: using face powder is recommended even for boys na gustong gumamit ng skin-whitening soap.
glutha, vit c, kojic, arbutin, hydroquinone, pero ingat sa hydorquinone kasi may rebound to baka lalong umitim..these are bleaching agent intended for hyperpigmentation..pero kun gusto mo pumuti at morena ka, ingat ka sa mga pamputi na yan, kasi nature mo na ang fair skin, baka kung ano pa mangyari sa kutis mo..widely accepted ang glutha which is nakakaputi talaga, and it smoothens the skin, pero i advise na wag iv glutha kasi dami nagkalat na fake ngayon, tiyaga lang sa oral, after a month may result na naman e..again kun fair skin ka, magpakinis ka na lang, and dont forget to use moisturizer and to take antioxidant to keep your young skin and slow down the aging..hehe..
Noon sabi ng lola ko suka daw yung mabisang pampaputi ng balat. Di ako naniniwala. Sabi niya kasi matapang daw sa balat yun kaya sigurado daw tanggal mga dead skin cells. Kaya daw namumuti labi natin kapag kumakain tayo ng mangga na may suka o kaya nagsasawsaw sa kamay, namumuti mga daliri. Sabi ko di naman ganun yun.. Ganun daw ginagawa ng lola ko noong araw na hindi pa uso mga papaya soap at glutathione ngayon.
-----
I fear not the man who has practiced 10,000 kicks once, but I fear the man who has practiced one kick 10,000 times.
kung gusto yung natural way, calamasi lng po...effective pa
----- "WORK hard, PLAY hard, and see the difference in the morning!" "Whatever plans I have in mind, Lord, I surrender them to YOU. I will do the best I can. But in the end, let Your will be done. Amen"
basta yung calamansi walang halong toyo... hehehehe joke lang
sabi nila gluta nga daw. kaya lang di pa masabi side effects. ako gamit ko lang yung sabon na papaya soap. di siya commercialized. na-oorder lang. yung kapatid ng misis ko kakulay ni whitney houston.. gumamit nun... nakakulay na niya si j.lo
-----
Work from home using internet, call/txt 09237048487 / 09175055426
paano naging non sense kung nakakatulong naman...
Common interest ng mga pinoy/pinay ngayon ang magpaputi kaya nga parang mga kabuteng nagsulputan ang mga whitening products.,
may thread bout beauty tips pero tingin ko hindi un sapat para mabigyan ng tamang kasagutan ang mga katanungan ng mga pinoy kung ano nga ba ang best way na magpaputi...
nonsense siguro tong thread na to sa mga taong walang ma-input tungkol dito na kagaya mo mr.panday yap.
nai-feature sa SIS (janice,gel,carmina) si bale (jinky oda) at talagang nakakagulat ang biglaan nyang pagkaputi...5 steps yata ang kanyang ginawa, ang natandaan ko lang eh 'yung gluta. nabanggit rin na hindi raw sya gumastos ng mahigit sa Php25k para pumuti halintulad sa mga nagpapa-vicky belo or manny calayan. search na lang po sa net if may article w.r.t. this issue.