Kuya ko talaga ang naging paborito ng mga magulang namin kaya lang matindi rin ang binigay na responsibility sa kanya ng buong angkan kasi siya ring ang panganay na apo on both sides of the family at mayroong paniniwala sa family na he will do great things for the family.
Ako walang favoritism, 5 kids ko pero explain ko sa kanila, which they understand na yung pinakabata siyempre ang favorite while still young and my kids agree. Kasi ang gap ng mga anak ko average ay four years or more, kaya nakikita yung mga nakakatanda at nauunawaan nila. Dapat malambing sa lahat ng anak at show your love to all of them.
----- Walang taong maloloko pag walang taong magpapaloko. Ingat sa mga taong manloloko.
I agree, that sometimes there is unequal treatment or favoritism... But, i think there's a reason why parents do that. Like in my case, yung older brother ko mas matimbang yung pag tingin ng mga magulang namin sa kanya. I remember when I was in HS and his in college, lahat ng hingin nya sa nanay ko bigay sa kanya. Kahit pati luho sunod lang ang magulang ko. Pero alam ko ang reason nila kung bakit ganun. Dahil mas matalino ang kuya ko at alam nilang pag makatapos ng pag-aaral ay makakatulong kaagad sa amin. Hindi naman sila nabigo...
Now, may treatment din akong hindi pantay sa 2 kids ko. Hindi ko gusto yun kaya i try to make it fair by giving them both what they wanted...
-----
Learning a lesson from the inappropriate behavior of others is one of the safest and most effective educations you can ever get...
di naman naiiwasan yung may sarili kang paboritong anak, kahit noon ayaw ipakita ng magulang ko na may paborito sila, ikaw na anak ang makakapansin nito, kadalasan kung sino ang malapit o malambing sa magulang siya ang paborito, sa ngayon may paborito rin akong pamangkin, pero ika nga pare pareho silang may pasalubong at regalo sa kain kada uwi ko, pero sa favorite ko may extra pa or minsan pag may hiningi ibigay ko agad.
----- Kayo nalang ang mabuhay!
sa english " so others may live"
sa amin is ang bunsong kapatid...hindi lng sa favorite ng parents ko ang bunso pati na rin ang kuya favorite nya ang bunso....mas mabuti pa ang bunso tinutulungan nya sa pag-aaral kami tatlong magkapatid walang paki kahit magapang na sa gutom....pro sa parents ko mahal nmn kami lahat iyun nga mga favoritism talaga pro ok lng yun sa akin at least mahal pa rin ako ng mother ko....sa atin lng kahit paborito ng parents mo yung isang kapatid m wag kng mainggit matiyaga ka na lang at magsikap maabot mo pa rin ang gusto m na hindi nabigay ng parents m....
----- God gives us strength to face our problem, not to flee from them...
hmm.. sa totoo lang ako ang paborito ng lola ko kasi isa lang akong lalake bali ako lang daw yung apo nya na magkakalat ng apilyedo namin, may pinsan din naman akong lalake pero iba middle lang nila apelyido namin...
wala naman siguro paborito samin...kaso ako lang nakadanas ng ginhawa.kasi malaki age gap ko sa mga kapatid ko..kaya nung bata pako grabe pinagdaanan nila makapag tapos lang sa pag aaral..anjan yung nangongolekta sila ng kaning baboy para pakain sa alaga namin..tas mag tinda ng lutong ulam..balot..talagang nagpursigido mga magulang at kapatid ko...kaya saludo ko sa kanila!worth it yung paghihirap nila before sa buhay nila ngayon...
sa family namin ang favorite ng parents ko bunso. though pag may mali siya nasasabihan din naman.
Ang nakakainis yung kakilala ko.. grabe! dalawa ang paborito nyang anak. magkasunod na third and bunso. grabe kahit may asawa na sinusustentuhan pa rin. pati yung mga anak ayun ini-spoil. to the point na kahit ang nakalaban nung apo nya eh apo din nya dun sa isang anak nya, kakampihan pa rin nya yung sa paborito nya. Ang masaklap pa, nagsusustento siya dun sa mga paborito nya sa pamamagitan nung anak nyang panganay. panay ang hingi ng pera para itustos sa paborito nya.
-----
"We can choose our choices, we can choose our behaviors, therefore we can shape our future right."
Sabi ni kuya ako daw since apat kami at ako lang ang babae. Pero sa tingin ko yung pangatlo kasi sweet yun! Siya din favorite kong bro, maaalahanin kasi kaya laging knukwento ni mama. Yung bunso naman, laging binabanggit ni papa, very proud si papa sa bunso e. Pero ako pinakaclose kay papa, ako lang kasi dito nag-aral sa province kasama parents ko siyempre. Matagal din nagstay si mama manila, kaya matagal na kami lang papa dito bahay.
----- True love happens once in a lifetime, if that's what you have, you don't need any other.