Bread Winner - One whose earnings are the primary source of support for one's dependents.
Sino sa inyo ang minsan naging Bread Winner at ano masarap ba o anong pakirandam ng Bread Winner di ba dumarating ung time na parang Bread Looser?
Since kagrad ko High School nakapag work na ako as Utility Man then appointed as Admin trainee then appointed as Data Technician then promoted as Admin Assistant sa iisang company at focus lahat ng income or salary na dumating eh sa magulang at mga kapatid ko. Di ko nga maalala kung kelan ako bumili ng damit at short man lang para sa sarili ko
Sabi sa akin ng kapit bahay ko parang nakabaon daw ang isang paa ko sa lupa para sa magulang at kapatid ko at malabo ko daw un mahukay sa dating ng mga kapatid ko

naisip ko tuloy kung bakit naihalintulad sa nakabaon sa lupa ang mga paa gayong naikikilos ko pero ngayon nararandaman ko na un kasi parang napapagod na ako

Eto ung experience ko bilang Bread Winner ng Pamilya
Pagkauwi galing trabaho;
Magiigib ng tubig
Maghuhugas ng Plato
Magsasaing at magluluto ng ulam

(Kitchen Machine made Robot)
tapos ang dadatnan mo tatay na nagiinom at nanay na sa baraha nakaharap
Naging dalawa ang work ko isa isang Aircraft Cargo Maintenance Company at isa naman eh Encoding Company Parehong Full Time aun parang nagsawa ako at Nagresign at lahat ng back pay eh inubos ko sa paglalaro ng online game sa loob ng isang taon

at ng sumagi sa isip ko ang gastos na di ko akalain na ganon na pala kalaki nasayang ko salapi
Nagstart ulit ako naghanap ng work at nakapasok sa isang Parcel Company and nagdecide magasawa para maiwan na ung pagiging bread winner at maging head of the family na pero dahil sa mabait aun di ko maiwasan na di parin magbigay sa dating magulang kaya aun sa halip na pasulong ang buhay paatras hahahha.
Masyado ng mahaba baka tamarin na kayo basahin
Guys!
Bread Winner always winner kung maayos ang mga pinaglalaanan mo pero kung hindi matutong magtira sa sarili at matutong mapagod at magsalita kundi ikaw at ikaw ang mahihirapan kalaunan ..-----
Certified Incessant Spammer