Sa harap ng mga lumalalang pagkakasangkot ng mga menor de edad sa mga krimen, particular sa droga at pagnanakaw, itinutulak ngayon ang pag-aamyenda sa batas para panagutin ang mga juvenile offenders sa hustisya.
Kinatigan ni Manila mayor Alfredo Lim at mga hukom ng Manila RTF Family Court ang panukalang mula sa kasalukuyang edad na 15 na may pananagutan o criminal liability at babaan pa ito sa siyam na taong gulang.
Ayon kay Mayor Lim, sinasamantala ng criminal syndicates ang umiiral na juvenile laws para samantalahin ang mga paslit sa kanilang operasyon kung saan matapos silang ilipat sa kustodiya ng DSWD ay siyertong babalik muli sa kalsada at muling masangkot sa seryosong krimen.
Kaugnay nito binigyan pansin ni Manila Socual Welfare and Development Chair Jay Del Feuenta na mas bihasa ngayon ang mga kabataan sa kanilang abilidad para lubos na maunawaan ang kinakasangkutan nilang krimen dala aniya ng epekto ng kapaligiran at teknolohiya.
Ayon kay Manila RTC Judge Silverio Castillo, kanilang binubo ng mga kapwa hukom ang isang resolusyon na isususmite sa kongreso na tumatawag ng pagamyenda ng batas sa juvenile delinquency.
See link for reference
Any comment about this matter;
Diba kaya mas tama na huliin ang mga bata at subukan or tanungin kung sino ang master mind o naguutos para gawin ang mga samut-saring mga krimen na minsan sa harap pa ng mga pulis nangyayari para sila ang huliin at panagutin sa mga nagawa ng mga bata.
-----
Certified Incessant Spammer