(UPDATED) Tyron Perez found dead in Valenzuela
Karen A. Pagsolingan
Thursday, December 29, 2011
10:10 PM
Patay na raw si Tyron Perez.
Ito ang balitang kumakalat ngayon sa Internet.
Ayon sa ilang blog sites at sa Twitter, natagpuan daw itong wala nang buhay sa isang "abandoned car sa Valenzuela," ngayong gabi, December 29.
Sa report naman ni Charlie Mendoza ng dzMM, natagpuan daw ang lifeless body ni Tyron sa isang kotse na naka-park sa service road ng North Luzon Expressway, na malapit sa Barangay Ugong, Valenzuela. Itop ay ayon kay Senior Superintendent Wilben Mayor.
Kasalukuyang nangangalap ng iba pang impormasyon ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal). Abangan ang mga susunod na updates.
Samantala, nagpaabot na ng pakikiramay ang Star Magic sa mga naulila ni Tyron. Sa isang text message na ipinadala ng publicist na si Thess Gubi ngayong alas onse ng gabi:
"Our deepest condolences to the family of Tyron. Let's pray for the etrnal repose of his soul."
Si Tyrone, na tubong Tarlac, ay alumnus ng Starstruck batch 1.
Mas nakilala ito bilang Dwight sa pelikulang Twilight Dancers (2006). Taong 2010 noong lisanin niya ang GMA Network at naging talent ng Star Magic.
Huling nakapanayam ito ng PEP noong December 17 sa Ilocos, kung saan sinabi niyang wala pa siyang anumang plano sa Pasko dahil ang kanyang non-showbiz wife ay isang flight attendant.
(CLICK HERE to read story)
Aniya, may biyahe raw ito, "Magkalayo kasi kami, e."
Nabanggit din niyang tatlong taon pa ang kanyang hihintayin bago nila planuhing magsimula ng pamilya.
Ang sabi ni Tyron, "Hindi rin siya pwedeng magbuntis din kasi kapag lumilipad malakas ang radiation ng eroplano. Kung sakali, siguro ano, after three years pa siguro ang plan namin."
Ang huling teleserye ng aktor ay Mula sa Puso, kung saan ginampanan niya ang papel na Gilbert.
Nakatakda sanang maging bahagi siya ng isang teleserye sa ABS-CBN sa 2012.
Source: [url="http://pep.ph"]
-----
