^Naunahan naman ako ngayon ni Kuya Raijin... hehe.
Important Things lang na napansin ko:
- Ibinalik na ang dating super daya na hero na si Invoker. Mas balanced siya ngayon.
- Unlimited Cyclone ng Eul Scepter at binagong recipe nito at ng Guinsoo.
- Madaming naging cheap na items gaya ng Quaterstaff at ng Ultimate Orb.
-Grabe ang nerf sa Kelen's Dagger of Escape... grabe din ang nerf sa bottle.
-Maganda ang buff sa Perseverance, Guinsoo at Euls.
-Mayrong bagong skill si Visage (pinalitan na nila ang Gravekeeper's Cloak nito same name new skill)
-Yung skill ni Visage na luma ay ibinigay kay Spectre at tinanggal ang lumang Dispersion.
-Kawawang Traxex. Walang kwenta ang ulti niya ngayon... bakit kamo? +30 agi yung bigay ng level 16 na ulti pero binawasan naman ng 25 ang total Agility niya by level 25.
-Ang daming creeps, mas madami ka ng pagpipilian sa helm of dominator. Tiyak makikinabang si Chen.
Madaming tips at information ka matututunan diyan. Best na magsimula kang sumali sa laro ng mga kaibigan mo kahit hindi mo magets agad ok lang yun. Matututo ka din unti-unti basta may taga-gabay sa laro mo.
Hindi rin mahalaga na mapatay ka ng mapatay... ang importante matutunan mo agad yung basics ng laro.
Basically ang DOTA is about controlling ONE Unit known as a Hero... bale ang objective mo is to destroy yung opponent's main base which is a Throne or a Tree. On the way, kelangan mong magpalakas at dun na pumapasok ang pagpatay ng ibang Hero para lumakas at bumili ng gamit para sa hero na gagamitin mo. Basically that's it.
Sa mga nag-suggest ng line-up, don't forget na wala kayo sa same lane everytime, and some people don't stay with the same lane for so long pag umabot na ng level 6.
Si Invoker ay base sa model ni Blood Mage ng Warcraft 3.
Dati ng hero si Invoker pero tinanggal siya dahil super daya siya nun. Mahigit 30 ang spells niya. Ngayon 10 na lang at medyo balanced na siya.
Madaming counter kay Invoker.. examples ay sila Keeper of the Light, Anti-Mage, Nerubian Assassin, etc. Hindi spammable ang spells niya sa early game, kaya katayin niyo na habang maaga.
@raijin: Oo nga, iilan na lang ang makakagamit ng Blink Dagger niyan gaya nila Ursa, Centaur, at Sandking. Sabi nga daw nung ibang forums eh dapat Dagger of Positioning na lang ang itawag diyan dahil pang-initiate na lang siya at hindi na pantakas. Pero pansin ko lang na pinapalakas ni icefrog ang mga INT para tumagal sila late game. Binuff kasi yung Euls at Guinsoo. Ginawang mura ang Ultimate Orb (mas mura tuloy ang Skadi at Linken's). Binuff ang Shiva. Tila lumakas na ang mga intelligence ngayon sa late game.
@joal0353861: Yup, tama ka. Pero pagdating sa team clashes maganda ang mga lineup combinations para nasa inyo ang advantage. Mas maganda rin kasi kung kakilala mo yung mga kalaro mo para mas coordinated kayo. Kapag nasa ggclient mahirap gawin ang mga line-up combos unless talagang nagkakaintindihan kayo.
Enjoy! Hindi po akin ang link na iyan... galing po DotaPortal yan. By the way, pang-6.48 talaga ang version na iyan pero linipat ang AI sa 6.50 para magamit ng mga players agad at matest yung mga bago gamit yung malakas na 6.48 AI ni Lazyfiend.
Buff- ibig sabihin inimprove.
Nerf- ibig sabihin binawasan or pinahinaan.
Examples ng buff:
Ang Eul Scepter dati ay may 6 charges ng Cyclone. Sa version 6.50 binuff nila ito at ginawang unlimited charges ng Cyclone parang Guinsoo.
Examples ng Nerf:
Ang Blink (kelen's) Dagger dati ay pwedeng gamitin anytime. Ngayon ninerf nila ito at once na tinamaan ka ng kahit anong attack... kelangan mong hindi tamaan ng kahit anong attack/spell for 3 seconds para magamit ito.