Marami sa mga former stars, dahil sa mga kaso raw eh tulad nila eugene quilban, espino and duremdes. Sayang mga careers, lalo si quilban. di pa man umaangat, nayari na. ahehehe
----- Sustansyang Pagkainumin
Votes : 0. Rating : 5.00.
Dec 03, 2011 01:16 pm Edited : Dec 03, 2011 01:20 pm
Si Booker nandiyan sa Middle East pre at si Edwin Bacani nasa US na kasama ang pamilya. Si Kenneth mukhang maglalaro next conference at after nun mag reretire na rin. Si Abe King nasa US na din active sa mga fundraising at tumutulong sa mga retired PBA player. Kung si Papa Jack Tanuan ang tinutukoy mo namatay na siya. Regarding kay Quilban in fairness na revive niya yung career niya sa MBA at after nun nawala na rin.
Baka yung fighting duo mo na tinutukoy eh from FEU si Ronald Magtulis at Edwin Bacani.
-----
Dwight Howard - I'm going to take my talents to Hollywood and join the Los Angeles Lakers.
gulat nga ako Ser Kiddie..kasi iyung liga na sinalihan namin di naman kalakihan ang sweldo pero kasali si Booker..pag tumalon iyun tuhod niya niya nasa mukha na nag kalaban
I-add mo pre si Abe King sa fb friends kami eh. Narinig ko nga dati karamihan sa mga ex-PBA players nasa Middle East naglalaro at ang iba pa nga nagiging referee.
-----
Dwight Howard - I'm going to take my talents to Hollywood and join the Los Angeles Lakers.
Dinig ko kase malakas daw ang pustahan sa Middle East kaya kahit maliit lang ang sweldo bawi bawi ang mga yan pag nananalo ng team.
Flying A - Coach ng BMEG.
Vic Pablo - Asst Coach ng FEU
Yung ibang mga retired PBA stars na lumilibot sa mga bayan bayan pag may fiesta na disband na. SMC all Starts tawag nila dun. Kasali si Ato dun bago naging coach.
Ilang sa mga kasali dun sila Bobby "The Firecracker" Jose. Pido Jarencio, EJ Feihl, Eric Gascon, Jumbo Bolado, Ronald Magtulis
Kasama din si Kap at Meneses.
-----
"Sa kakagala ni Dora,ayun narape ng Pokemon,nabuo tuloy si Doraemon"
ang gagaling naman updated kahit na wala na sila sa court at nasa baul na ang mga jersey nila.... bakit di na yata natuloy yung chizmax na babalik si jawo sa pba?
sino kaya dito ang may malinaw na copy ng 1997 ng GORDONS against ALASKA (haha..nagrequest pa ang uto,pede kaya?! )
Naglalaro sa liga dito samin sa Marikina si Poch Juinio, Zadly Realubit at John Cardel.
Si Poch d masyado kundisyon pero sobrang laki talaga.
Si Realubit magaling pa din sa rebound at mukang mas kundisyon kesa k Poch.
Si John Cardel medyo mabagal na pero effective pa din, halos hindi nga pumupwersa eh.
Si Espino, may kaso. Serious Illegal Detention at non-bailable ang kaso niya sabi nun sa warrant. Hinahanap ng NBI ngayon. Napanuod ko sa XXX yan nung isang gabi lang eh.
Si Brian Gahol madalas kong nakikita sa Calamba na naglalaro kasama ng utol niya. Tapos sumasali yung team nila sa mga open league.
Si Terry Saldana, naging coach pa ng college team namin dati nung 2004. Vic Sanchez naman coach sa Perpetual Binan hanggang ngayon yata.
^^iyung taga red bull ba? Jimwell Torion..nasa CBA (Cebu Basketball Asso na sponsor ng Lhuillier)
dati kasi parang CBL kaso panay champ ang Lhullier kasi sila lang talaga may budger kumuha ng mahal na players (ex pro) ngayon sila na nagpa liga at least may trabaho pa rin ang local players ng cebu..
Padilla (Alaska) at Torion - Salazar Tech
Tangkay (Welcoat) at Aying (BGK) - santuary park
Basco (BGK) - Hotel fortuna
tapos coach na si Roel Gomez, Solis, Cabahug at Demape sa local university sa cebu
nasaan na kaya iyung player ng Sunkist na nangdudura at kung maka depensa parang aasawa talaga..si choi estrada..parang adik ang porma ng mokong na iyun
Ang laki ng expectation ko kay Jojo Tangkay. Biruin mo, star player ng PBL tapos nung nasa PBA na eh di man lang nabigyan ng magandang break. Nung nawala si Leo Austria eh nawala na din siya at lumipat pala ng minor.
Ang alam ko kasi kay Turion, binigyan pa siya ng isa pang pagkakataon sa PBA tapos ang huli na niyang team yung Air21 under kay Perasol. Pero 1 conference lang ang tinagal.
Si Bonnel Balingit ba eh artista pa rin ba? Yung huling beses kong nakita siya eh nung nagawit sa eskandalo yung show ni Willie Revillame eh. Yung "Batang Astig Sumayaw" na episode.
nasaan na kaya iyung player ng Sunkist na nangdudura at kung maka depensa parang aasawa talaga..si choi estrada..parang adik ang porma ng mokong na iyun
Naalala mo pa pala eto pareng Manu? Defensive specialist ni coach Yeng. Siya ang taga bantay ng best palayer ng kalaban nila. Parang tuko kung dumupensa. Ang pagkakaalam ko nag mamay ari na siya ng isang taxi company.
-----
Dwight Howard - I'm going to take my talents to Hollywood and join the Los Angeles Lakers.
si dante gonzalgo naghirap na yata, na feature sya sa wish ko lang at nagkaroon sila ng reunion with former team members big j, rudy distrito di ko na natandaan yung iba.