fafa krior alam kong nandito sya kanina
dahil may natanggap akong pm sa kanya
di ba ang tagal din nya na hindi nagpakita?
nagtanong ka pa nga sakin napadaan ba sya..
isang kaibigan na dito din ay kadugtungan
isang kaibigan daw na galing sa nakaraan
sige nga fafa krior kami ay kwentuhan
kung ano talaga ang sa inyo'y namamagitan
Ano ba talaga ang mga kadahilanan
Na kahit dito sa TDP sya ay sinundan?
Isa lang ba talagang pagkakaibigan?
O may mas malalim na pagkakaunawaan..
----- Limited to 3 post per day to help TDP save on Bandwidth.
mukhang ang inyong lingkod ay maraming hindi alam
sa palitan ng magkaibigang krior at harm
mga nakaraan nila gusto pang balikan
upang ang bukas ay kanilang masundan.
Mapalad ka kaibigan kong Harm
Pagkat ika'y nakatanggap na naman
Ng mensahe galing sa ating kaibigan
Samantalang ako'y wala ni isa man
Haist ang saklap ng aking kapalaran
Ang nakaraan ay atin ng pabayaan
Nakalipas na ito at napagdaanan
Di na marapat pang ito ay balikan
Kaya't marapat lamang aking kaibigan
Sa bagay na ito ako ay tantanan
Bago pa man dumami ang masiraan
Sa kakaisip, mawala sila sa katinuan
Hehehe...
---------------------
nang-iintriga ka na naman fafa harm ayan natuliro tuloy si kaibigang marsville
wag kang mainip aking kaibigan
mga katoto natin ay nag-iipon lang
sariwang ideya kanilang na inihahanda
upang kanilang mga tula siguradong akmang akma...
harmsome said:
nagpapahinga lang ang inyong kaibigan
na dito sa tulaan ay isang lang baguhan
mga kataga, at namumukod na salita
mga luha na pumupukaw sa ating diwa
Kung tawagin ay fafa harmsome dito sa dugtungan
Laging bukang-bibig sya ay baguhan
Nguni't ng mapapad dito ang aking isipan
Palaging nasusulyapan harmsome na pangalan.
Subalit, datapwa't sya ay may pagkalumanoid (peace po tayo)
Sa mga talata ng kanyang tula inyong mababatid
Ramdam mong may itinatagong lihim na pagtingin
Na nagbibigay inspirasyon sa kanyang damadamin
----- Happiness keeps you Sweet,
Trials keep you Strong,
Failures keep you Humble,
Success keeps you Glowing,
But Only God Keeps You Going!
ito ba ang tawag sa pangalawang tagpuan
ng dalawang taong mula sa nakaraan
ang pagmamahalan ay huwag pigilan
lalo na't itoy may magandang patutunguhan
ika nga nila, "love is sweeter the second time around"
(tama ba?)
----- sometimes, we need to forget about the people from our past, 'cause there must be a good reason why they didn't make it to our future.